Wednesday, October 19, 2011

Circle of Fun

Namasyal kame sa Circle of Fun with Cathy's mom and brothers..













































Class Pciture

Nahukay ko lang ito.. hehehehe... kakatuwa... asan na kaya sila ngayun? yung iba friends ko sa Facebook.. yung iba di ko na kilala... 


1 - Malusog

2 - Humility

3 - Patience

6 - Garcia

Madali bang kumuha ng NBI Clearance


Ito ang pangalawang beses na kukuha ako ng NBI Clearance. Una sa lahat nag-search ako sa internet kung saan makakakuha ng NBI Clearance, anak ng pating back to zero pala as in walang renewal. Kasi naman may problema pala itong NBI at yung MEGA DATA Corporation (which has been servicing the computerization requirements of the NBI since the early 70’s.) Hinanap kung saan ako makakakuha ng NBIC na malapit lang sa akin, pero wala. So pinili ko yung kung saan nalang ang mas madaling puntahan. I choose Robinsons Galleria.

Kanina 3AM, opo tama po kayo 3AM tumunog ang cellphone alarm ko. Ok lang naman kasi sanay ako gumising ng maaga. Pero hindi ganito kaaga. 4AM umalis ako ng bahay tulog pa asawa ko, tulog pa mga ka housemate ko, tulog pa yun aso, tulog pa yun lasing sa labas tulog pa karamihan ng mga tao. Naglakad lang ako palabas ng area namin papuntang espanya Manila, kasi walang dyip ng mga ganitong oras . Okay sa madaling salita nakarating ako ng Robinsons Galleria ng 5:15 AM sakto.

Eto ang unang nasabi ko ng dumating ako sa Robinsons Galleria "anak ng (Censored) bakit (Censored) ang haba nang (Censored) pila" 5AM palang ang haba na ng pila! From Main door ng Robinsons Galleria hanggan National Bookstore.


5:15 AM ganito na ang pila


Nagsimula silang magpapasok ng 7:15 AM, pagdating mo sa main entrance bibigyan ka ng number. Number 160 ako... isa ako sa mapalad dahil pag pang 201 ang number mo... sasabihin sayo ng guard "10Am na po kayo bumalik."  sa loob may pila ulet. ngayon may upuan na, sa hagdan. Dahil sa pang 160 ako. Nakakwentuhan ko sila 158, 159, 161 at si 180. Nalaman ko mga istorya nila, talambuhay nila, si 180 nga pang telenobela. si 161 puro reklamo... kesyo dapat daw eh online nalang ang registration... dapat daw marami ang service counter dapat daw ganito dapat daw ganun... ayun ang daming gusto baguhin, sana sa Barangay na lang sya nag reklamo... Si 159 naman, wow vavavoom as in wow... yun lang... wala akong naintindihan kasi ang bango-bango nia at tuloy tuloy ang pag english nya. 


Eto ang pila sa loob.

8:30AM nakita ko si manong guard sinesenyasan na kami... akala ko eto na, gagalaw na kame. yun pala ilagay ang pangalan sa papel na may number namin at ipasa sa kanya. Nang bumalik si Guard meron na syang daladalang form.


Eto ang NBI Form

9:45 AM ng gumalaw ang linya. Kala ko eto na talaga... yun pala dinala lang kame sa isang kwarto. at ayun pila nanaman. 


Waiting room for biometrics

Sa loob ng kwarto... medyo bumilis na... palalabasin ka for payment tapos babalik ka ulet sa loob para mag hintay. Tapos ang huling labas mo encode na ng mga tauhan ang info mo tapos mag-biometrics ka na...  tapos picture tapos ayun. Tapos na... pag may "hit" ka (kapareho ng pangalan) 2 weeks pa bago mo makuha ang CLearance mo. Pag wala makukuha mo din on that day.

Last Step.

After nito makakasalubong mo na yung mga pang 201 to 500. na mainit na ang ulo... hehehe at maraming itatanong sayo... Eto lang po.. madali lang diba... ay OO nga pala... 11:35 na nang matapos ako...